“Everything happens for a reason.”
Siguro yan na yung pinaka tama na quote para sa nangyari sa amin ngayong 2013. Alam naman nating lahat na bago makarating ng finals, may mga eliminations na sasalihan muna. So mga December 2012 pa lang ata naghahanda na kami para sa Qualifiers noong February 2013. So training lang kami ng training. Buo ng group stunts, yung tipong pang competition talaga. Yung may difficulty na makakaya at mahihit ng lahat. Yung jumps na may kasunod na tumbling. Yung passes na kakaiba, quality at quantity. Poses, shouts, cheers, na poise at proper lahat. Transitions na kakaiba, pyramids na mamangha ang lahat. Siguro na ilatag yan nung gumagawa kami ng routine for Qualifiers. Pero ilang days na lang at Qualifiers na, ang kinakatakutan ng lahat ang nangyari. Mainjure ang kasamahan sa squad. Mawala isa, damay lahat. Connected kasi lahat un eh. Hindi ko sinasabi na ayaw namin magpalit dahil solid na, mahirap mag adjust lalo na at ilang araw na lang. So push, adjust adjust. Last day na, which means kinabukasan na ang Qualifiers. Lahat ng run through namin, hindi namin nabuo. Hanggang umabot kami sa punto na company call na, sinasabi na lahat ng reminders at lahat ng mukha namin malungkot, at karamihan sa seniors umiiyak. Ganun kasi kami ka dedicated sa squad. Ilang taon na kasi, at masakit sa aming part na taon pa namin nagkaganun, wala nang next year para bumawi. Qualifiers na, at nang matapos ang competition, umiyak ang buong taguig science. Laglag kami sa 7th place. We did our best, pero ganun talaga. May natatalo. Umiyak siguro ako after ng results hanggang kinabukasan. Wake up call ang nangyari sa aming lahat. GInising kami sa katotohanan, na hindi basta basta ang aming sinasalihan sa maraming taon. Si God na super bnless kami dahil ngayong taon nagkaroon ng wildcard. Thanks sa smart na kailangan lang ng 5000votes para may slot na ulit sa finals. So habang nagttraining kami muli for finals, nakaakbay sa pagvovote ang buong school at mga magulang namin para maabot ang 5000, at hanggang umabot pa ng 10000+ para sa People’s Choice pero pang 2nd lang. May mas nangagailangan eh. Natapos na ang routine, at ibang iba ang feeling ng mga nangyayari nun kesa nung qualifiers. Natapos na ang National Finals noong March at super proud akong sabihin na 6th place kami sa Buong Pilipinas, at 2nd place sa buong NCR. Bawing bawin ang nangyari sa amin. Lahat ng ito ay dahil kay lord, sa mga naniniwala sa amin at nagmamahal. Yun lang :)


NCC-NCR QUALIFIERS 2013


NCC FINALS 2013
Ayan, eto naman ang bagay para sa blog kong I CHEER!. Magkkwento ako muli tungkol sa buhay cheerleader ko sa loob ng apat na taon, kahit hindi ko pa nabubuong apat na taon, kwento ko na kasi busy na eh.
Marami kaming sinasalihan na competition pero ang laging pinaghahandaan ay itong malaking competition na nagaganap tuwing FEB AT MARCH. NATIONAL CHEERLEADING CHAMPIONSHIP. FEBRUARY AY ANG NCC-NCR REGIONALS, dito malalaman kung makakapasok ka for the MARCH which is ang FINALS. At dahil NATIONAL, kalaban mo lang naman ang buong Pilipinas. Nasa, High School Coed Division kami sympre, kasi TSHS eh. So ayun.
Unang pasok ko sa squad, January 2010?. Wala akong kakilala kundi ang kasabayan ko sumali, ang aking BFF na si Bey. Trainee pa ako nun kung tawagin. Mahirap sa una at lalong mahirap kung di mo gagamitin utak mo at puso mo. Ramdam mo pa nun ang hati sa loob ng squad. Nandun ang mga magkakakilala, at nandun naman ang mga tahimik at kasali ako sa tahimik. 2011, laking pasalamat ko ng makapasok ako sa NCC line up. Before that, nag compete na ako sa milo and etc. Nang ma line up nga ako, I don’t have any idea about the competition. Meron, pero nasaksihan ko lang iyon nung nanuod ako sa Ynares nung 2010 pero iba na pag ikaw na ang isasalang. FEB 2011 na, Regionals na, first time ko sa NCC mats, first time ko sa Music Hall ng MOA ng may nakapalibot na mga tao. Sobrang dami. We did our best and we became Champion. MARCH 2011, dun ko naramdaman ang kaba na papaiyakin ka in and out. Nakasalalay na ang lahat sa amin nun. Then habang nagpeperform na kami, yun yung feeling na parang kayo lang ng squad mo ang nandun. Hindi mo mapapansin ang ingay, ang crowd, ang judges. Inuwi namin ang 1st Runner Up na title. 2012, muli, salamat kay Lord at napasok ako sa line up. Before NCC, nagcompete na kami sa ibang competitions nun. MILO, SM BICUTAN, SM SOUTH MALL. Ayun, at marami kaming guestings. NCC na ulit. Mabilis lang. FEB2012, Regionals muli at pasok kami for finals. Nahulog kami sa “insert place here” pero thank you pa rin at pasok kami for finals. Babawiin naman namin ito sa finals. MARCH 2012, finals muli, iba na ang paligid. Sa Phil.Sports Arena kasi ginanap, at ayun inuwi namin ang rank 5 in the nation. Okay lang, pinaghirapan namin lahat ito. Walang kailangan sisihin kasi every year ay pwede bumawi. At ngayong papasok na ang 2013, THANK YOU muli LORD at line up ako. Abangan natin ang pwede mangyari.
Every year, ang labanan ay nag lelevel up. Pahirap ng pahirap, hit na hit na ng high school squads ang difficulty at dahil dito, maaari na naming pantayan ang mga nagagawa ng college coed squads.
Huling taon ko na ito sa mundo ng cheerleading, wala na akong balak sa college dahil kailangan ko naman pagtuunan ng pansin ang studies ko. SinAg forever eh :) Yun lang, sana nabasa niyo hanggang dito.
Next
|
|