After ng mga run through namin ng routine, sobrang thankful ako kay Lord kaya ako umiyak kay benjo eh. Habang inuubo at nasusuka ako sa pagod nun, nagppray din ako nun. Sobrang thankful talaga ako kahit ano pang nangyari. Bukas ay friday na at huling araw ng mga training at practices kasi sa Saturday na. Para sa mga susuporta, wag po kayong umasa ng malaki, pero bibigyan namin kayo ng maipagmamalaki. :)
FUCK THIS FEELING 100000 timessss.
Shet pagod na pagod ako. Worth it naman. 5:10am ako nagising eh calltime namin 5:30am sa school. So pagkamulat ko agad agad, hubad sabay ligo na. Hindi na ako kumain at dumating ako sa school mga 5:48am na. Okay lang naman kasi hindi naman ako nalate. Nag run kami ng routine sa skul simula 6am to 8am kasi di pa namin nbubuo. After mag run, bihis sabay punta sa Signal Elem kung saan kami mag peperform. Imba crowd sa school na iyon kasi mga bata. Kada lifting, tosses etc, nashoshock silang sigaw. Ayun, after nun may sinabi ang principal namin. Ni-treat daw kami ni Mayor sa Kamay Kainan sa may labas ng Market Market. BOOOM! Edi gor na kami sa Market.

Tapos diretso kami sa Kamay Kainan. Eat all you can, sagot ni Mayor. Okay excuse me, nakatatlo kaming plate. HAHAHAHA :DD Kagutom eh. Sarap ng foods.

Tapos balik school na kami for training. :DD YAHUU KAPAGOD.

Okay, coach may tumblr ka pero hindi para sayo to. Wag kang magalit ah. Nako, kung alam lang tlaga ng princ-EPAL na yan na gusto na namin syang kutosan. Nakakaasar lang kasi kahapon super rush na ang lahat. Dumating kami sa school lahat before mag 8:00am, ako pa nga dumating ng 7:40am. Ayun naglalatag na sila ng mats. Nagbuhat na ako at naglatag na rin. Then, nag jog kami at stretching na bongga. Tapos binigyan kami ng time na i-practice yung individual na pep assignment. DANCE YAN. Yeah, dance, own steps. Verse1 hanggang chorus ng isang kanta. So maharot ako kaya yung aking Last Dance ni Christina Aguillera. After nun, nagrun kami ng onti kung saan kami umabot sa routine. Dumating si Mel, alumnang school namin. Dinugtungan nia hanggang tumbling passes. Tapos si kuya Regie dumating. Wait, before siya meron pang alumna na dumating, di ko kilala CUTE lang di gwapo eh. Well, haha let’s move on. Pina-set kami ni kuya Rej at start na daw dance namin. Edi ako yung taga play ng music nilang lahat kasi sa akin naka toka lahat ng music nila. Habang iniintay ko turn ko, nagppractice ako dun. Tapos nung ako na, tumingin ako sa paligid ko. Nandun ang Galileo Boys (classmates ko na lalaki), 5 Alumni, tita ko, lola ko, tapos marami pang iba. Hay nako, bayaan na, ayun sumayaw ako, eh puro kendeng sayaw ko ayun, natuwa naman sila. After nun, lunch tapos umulan. Basa mats, hinintay namin umaraw at ayun natuyo ng onti pero ung ilalim hindi. Nag run kami at tinapos ang routine. Gumawa kami ng pyramid na level 6 ata yun. Natuwa kami ng mabuo namin sa last three runs. After nun, compress na at nagdasal. Nagbuhat ng mats at napansin na ang lahat ay nasunog sa araw. Itim as in itim talaga. Napansin pa nga yung kagat sa akin ni kuya Rej sa likod. (landian lang yun HAHA) Tapos ngayon, sabado mga 12pm nagtext si Coach Rej. “CANCEL NA DAW BUKAS”
(ayoko na dugtungan to baka may makabasa pa at malaman pa ng iba basta malungkot ako… dahil dina NATULOY, SAYANG LAHAT, LALO NA ANG ISANG LINGGO PARA SA YOUTH GAMES NA YAN)


* Dahil nagpost ang isang blogger tungkol sa sinag at ncc2011 finals pa ang video na kasama dito, magkkwento ko ng mga nangyari na nasaksihan ko, mga nramadaman and etc.
NCC Qualifiers —> Elimination Day ng mga schools na nagparticipate from NCR Region.
Eto na, araw na ng first NCC ko. Syet lungs kasi wala tlga akong idea sa mga mangyayari. Edi ayan, pagbaba namin ng nirent namin na sasakyan nasa MOA na kami. Nakita ko lang na apat or tatlong squad pa lang nanduon. Edi yun, start na ang blockings. (5 minutes practice in the NCC mats). Tapos ng linya na kami for checking ng school ID. Nung nasa linya ako, sinipa ko ng mahina si Coach Seth ng Rizal HS. Friends na kami before pa lang kasi ng competition. Naghi siya at naghi din ako. Then, nakita ko ulit sa squad nila si Kevin. Yung hinangaan ko nung NCC2010 nang mapanuod ko siya. Nagsparkle eyes ko. HAHA:D Tapos nung ntapos na ang checking. Nakalinya kami ulit for pictorial one by one para sa Shine Free Magazine. Then buong squad naman ang piniktyuran. Ayun na kami na ang next sa blockings. Sinabi sa kanila ung rules na alam na ng past members ng sinag. Pero ako dun ko lang nalaman na BAWAL LUMABAS NG MATS. 10pts deduction daw un. Kaya ayun dun ako nagstart ng kaba. Ayko ipahalata sa kanila para hindi sila mahawa. First 2:50minutes (maximum time limit ng routine) blockings w/o music then last 2:50minutes with music na. Halatang lahat ng squad ay nanunuod ng masinsinan kasi kami ang defending champions. Grabe sila makatingin. Edi ayun, maaga pa. So nagpraktis pa kami ng onti sa gilid ng mall. Tosses, liftings. Basta lahat pineperfect para iwas aksidente na rin. Pinaikot muna kami ng grupo grupo for lunch sa MOA then pinagbihis na. When Im on that cheerleading uniform, para akong nagsuot ng damit pampakaba. Kabang kaba ako. Nabawasan lang yun ng makita ko ang mga classmates ko na mnunuod. Kasi tinupad nila pangako nila sa akin na hindi nila palalagpasin ang unang ncc ko. After magayos ng lahat pati ako nagayos, nagprogram muna. Last daw ang champions magpeperform kaya last kami. Then, ayan na. Totoong totoo na. Pinapanuod namin lahat ng mga nagpeperform. May magkamali man sa routine nila, hindi kami nagiging masaya sa ganun. Fellow cheerleaders din namin sila kaya nararamdaman namin lahat. So instead na sabihin nilang “Boo!!”, we yell “BAWI LANG ! KAYA YAN!” Walang halong plastik yan. Nakamayan ko nga pala ang bawat squad dahil sa gilid namin ang exit after performance. Then kami na, ayun na. After ko lang magtoss sa opening (first part of routine) namin, wala na kaba ko. Buo ang routine yan ang masasabi ko. Then ayun, nanalo kami. The NCC-NCR QUALIFIERS CHAMPIONS. We received gift packs from adidas.The NCC Shirt. And the Slippers from Dupe. And also the Trophy and certificates. :’) Kaya imba tlaga ang pakiramdam. After nan event, nakasama ko lang coach ko with the other alumnus, one schoolmate and one of my friend sa overnight namin sa isang resort. Buti pinayagan ako. Yun lang. :’)))))
Next
|
|