Hoy, oo ikaw. Para sa’yo tong sasabihin ko. Dapat mabasa mo to. Alam mo bang sa kahit anong pinaguusapan namin, ikaw ang topic. Napaka swerte mo sa kanya pero bakit mo siya pinaiyak. Minsan lang umiyak ang mga lalaki at sobrang swerte mo ikaw ang dahilan. Wag kang selfish, maging open minded ka at tanggapin mo ang totoo. Alamin mo muna ang lahat bago ka magconclude.
Sa kalagitnaan ng pagrereview namin sa NAT, biglang nagchismis na nakapost na daw sa campus ng UST ang results. So nagpatanong na sila sa mga alumni ng school namin na dun nagaaral kung pumasa kami. Pagbalik ko sa kanila, umiiyak na ang iba tapos nagpatanong na ako at sabi “BS TRAVEL MANAGEMENT, DOMINGO STA. BARBARA GERALD, PASADO KA! CONGRATS!”. SHIT, sarap sa pakiramdam. Ang saya saya ko. Pero nawala kasiyahan ko ng makitang kong malungkot ang aking mga classmate dahil waiting sila at hindi nakapasa. Ano pa kasiyahan ko kung ang mga kaibigan ko hindi naman masaya? So mas pinili ko na lang itigil ang usapang USTET at magproceed sa gym kung saan magaganap raffle namin. Ayun, buti na lang sumaya kami pero pagdating ng uwian, binigay na card. Pinalungkot kami, at sinusumpa ko TLE ko. Napaka walang kwenta ng 83 sa card kasi alam ko sa sarili ko na mas mataas pa dun ang grade. TSS Thank you lord sa lahat ng naqngyari ngayong araw, hindi po ito sarcasm, totoong thank you po ito. Salamat din po dahil malapit na mabuo routine namin for NCC qualifiers.
Hindi ko alam kung bakit lahat ng tao kailangan magtago ng nararamdaman. Lahat kasi pwedeng madaan sa magandang usapan pero bakit ganun? Kailangan pang tirahin ka patalikod ng mga masasakit niyang hinaing sayo. Worst case pa yung halos lahat ng kaibigan mo siniraan ka. Part ng sinabi niya true pero halos lahat false. Hindi na kasi maayos yung tingin ng tao once na mabahiran na to ng kung ano.
Magkkwento ako bukas. Marami mangyayari. Pero wala ako sa mood ngayon hanggang bukas. Badtrip parin ako.
Hindi ko inaasahan na ganito na talaga mafefeel ko habang nakikita ko ang lahat lalo na siya. Eh ayoko na talaga eh, di ko na mapipigil yun. Basta limitado na lang ang lahat. Ayoko na, miski friends ayoko na rin. Hindi ako nagbago, sayo lang, ano daw? hahaha nagbago ako oo pero sayo lang. Ayoko kasi, basta masyadong ano to. Galit ako sayo oo, at mas maganda kung alam mo hindi yung pinapatanong mo. Ang pangit lang kasi sayo nagpapamanhid ka kahit hindi ka naman manhid. Kung may kailangan kang malaman, itanong mo na. Para alam mo. Pang ilang bati na natin dati pero this time ayoko na. 3 buwan na lang naman kaya ok na to. Promise hindi simpleng away to kasi kung simple hindi ako aayaw ng ganito. Talagang ganito na lang magiging tingin ko sayo, isang mataas na talented na punong puno ng baet na tao. Yun lang. So dito na magtatapos to. Haba na eh HAHA. Okiz.
Next
|
|