Ilang araw, mali, weeks na pala. Ilang weeks na kami di naguusap. Para akong tanga dito, umaasa na papansinin niya ako. Di ko alam kung busy ba sya? Pero sure akong may time naman ng onti para sa akin pero bakit gnun? Miski isang kahit anong magpapakamusta at magpapangiti sa akin, wala. Tangina ayoko na. AYOKO NA TALAGA. Kung alam lang niya na naiiyak na ako pero hindi eh. Ayaw na rin niya ata. Suko na ako.

Onga pala, bulok na regalo mo dito sa bahay. Regalo ko sayo para sana noong october 7 2012, monthsary natin :/ Ge.

Nakakausap ko yung bago ng ex ko.
  • UNA
  • Siya: Kamusta ka?
  • Ako: Ok lang, kayo?
  • Siya: Ok lang din kami, ayun may sugat si (insertnameniexhere) sa may tuhod.
  • Ako: Ano nanyare?
  • Siya: Nagkamot, ayun lumaki.
  • Ako: Hala, sabihin mo pagaling siya.
  • Siya: Wag ka mag alala, ginagamot na namin.
  • Ako: Ahhh. (NGANGA AKO, LA NA AKO MASABI <//3)
  • PANGALAWA
  • Siya: Nagtitipid si (insertnameniexhere).
  • Ako: Bakit daw?
  • Siya: May swimming daw sila eh.
  • Ako: Ahh ganun ba.
  • Siya: Oo, ganda nga pala ng binigay na shirt sa akin ni (insertnameniexhere), galing Subic.
  • Ako: Talaga? (HUHU, NAPAISIP AKO DITO)

Gusto mo siya, eh torpe ka, ayun naunahan ka, NGANGA ka ngayon.

Ang love parang pag-ahon sa pool, kung kailan wala kana, dun mo lang mararamdaman na masakit na pala.

DAY 25: Last Time You Cry and Why?

Hindi ko na maalala date, basta umiyak ako sobra nun dahil nalaman kong kabit ako sa kanila.

Sasabihan mo siyang mahal mo pero ang totoo balak mo ng makipaghiwalay.

Nakakapanghinayang lang, natanggap na ako ng magulang ko, pati na rin ang relasyon natin, sayang at niloko mo lang ako.

Lovestory Namin: The Flirt to Love Part

Gusto ko lang ibahagi para pag nakalimutan ko na, babasahin ko na lang.


Kasi ako talaga una nagapproach nun. Mga summer 2011 naging friends kami ng coach ng Rizal High Pep, eh tapos na NCC nun sympre may sinulyapan ako. Maputi, medyo matangkad, at may tumbling na lalo pa ng papogi sa knya. Edi tinanong ko nun summer kay coach ng rizal high pep, sabi niya baka daw si Kev** Lop** un. Edi go agad ako sa fb tpos ayun siya nga at super kilig ako sa harap ng laptop na luma ko nun. Tapos sabi ko kay coach, penge ako number nun, at ayun binigay niya. Nung una, nahiya ako magtext kaya lang, nagtext na ko ng hi. Sungit niya pa nung una tpos ayun hanggang sa tumagal onti lang ang nging text namin nun summer, edi ibig sabhin masungit tlga siya. Pasukan na at naging busy na ako, no time to flirt text him na. Ayun, study study study, training, eat, sleep. Isang araw sa buong school year ko, nagtext siya. “Active pa ba tong number mo? Magbubura na kasi ako.” Ayun, nagreply ako, oo active pa. Nagsungit na rin ako kasi nawawala na yung pagka inlove ko sa knya. Pero dahil dun naging magkakilala pa kami. Gabi-gabi na kami naguusap. Tapos balik kilig nako. September 1 nga or 2 yun binabati niya na ako ng Happy Birthday at kinantahan pa ako sa phone. Sweet niya lagi sa phone. Ayun, September 9, tumawag siya sa akin. Celebration ko yun ng birthday ko with my family dahil ang Bday ko na september 7 may pasok. Tumawag siya, at sinabi niya na may ka conference kami. Sabi ko busy kami eh kayo nalang magusap, tapos sabi niya may mahalaga daw siyang sasabihin. Edi napatigil ako sa kinakain kong ice cream at ayun sabi niya, “I Love You”. Sabi ko, wag mo nga akong pinagloloko at ipinapahiya dito sa kausap mong isa. Sabi niya, “Kaya nga siya nandyan dahil kinukulit niya ako at gusto ko ipaalam sa knya na may mahal na ako at matagal na ito”. So kilig ako at nagusap na kaming dalawa na lang. Sabi ko nga pala na bukas ko na lang sasagutin siya para 10 ang motmot at kung papalarin anniv. Kilig ako sobra hanggang sa matulog. Ayun dun nagsimula ang lovestory namin ng ex ko. Kakamiss lang.

Buti na lang at nalaman mong tao ka, taong nakakasakit na.

Minsan na ako napasayo kaya kabisado na kita.

Eh bakit pa nga iiyakan kung tuwang tuwa na siya sa iba.




ABOUT

Gerald Domingo, 16 years old. SinAgPep Thunder, bipolar blogger. Lycean and Single. ϟ

Home | Twitter | Facebook | PTB